Tungkol kay 21AM
Ako ang 21AM, museong nabubuhay sa tatlong espasyo: sa cyberspace; sa lahat ng espasyo (na walang sentro); at sa loob ng Accession Record System (ARS) ng koleksyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Nabubuhay ako nang digital, kaya hindi ako nakalatag o nakasilid sa isang lugar, gusali, o lungsod—bukod sa 21AM bilang isang pasilidad ng Sentro. Itinatag upang sundin ang madlang Pilipino, na nangungunang tagatangkilik ng mga online media sa mundo. Ang museo ay may pulso sa mga likhang sining na naglalayag kasabay ang mga kalinangan sa teknolohiyang digital, kritikal sa nag-iibayong karakter, habang nagtatalima sa kaisipang gumugunita sa mga likha ng mga nakaraang henerasyon, sa pangangasiwa ng ARS.
Ako ang 21AM website at ang website ay ako.
CCP | Cultural Center of the Philippines
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ang tagaplano at tagapagpatupad ng mga programa para sa pag-unlad at pagtaguyod ng sining—musika, sayaw, teatro, at ang biswal, panitikan, pelikula, at sining ng broadcast. Mula noong 1969 nang mapasinayaan, sinuportahan ng Sentro ang mga programa at aktibidad tulad ng mga festival, mga eksibisyon, mga patimpalak, at mga paglalathalang nangangalaga, nagtataguyod, at nagdadakila sa makasining at makakulturang pamana ng mamamayang Pilipino, at nang-aaya ng madlang nagpapahalaga at sumusuporta sa gawaing pansining at pangkultura.
Nakatayo sa isang 60-ektarang complex sa Roxas Boulevard sa Lungsod ng Pasay, ang CCP ay bahagi ng malawak na network ng mga organisasyong pansining at pangkultura na nagbibigay ng mga oportunidad ng palihan sa pagitan ng mga Pilipinong manlilikha at ng mga manlilikha mula sa iba't ibang panig ng mundo. Idinadaloy din ng network ang mga pagtatanghal at mga eksibisyong upang mapaunlakan ang mga lokal na madlang makaranas ng sining at kulturang buhat sa ibang lugar.
Ang CCP ay binubuo ng ilang departamentong nagsusulong ng edukasyong pansining, direktang outreach at exchange programs sa buong bansa, nagbubuo ng mga produksyon at mga eksibisyon, nangangasiwa ng mga pangkulturang pinanghahawakan, at naglilinang ng mga pag-aari. Sa unang dalawang dekada ng CCP, tumutok ang institusyon sa mga anyong sining ng pagganap bilang elitista—ballet, opera, at mga katulad na palabas—isang kiling na hinulma ng unang pinuno ng board of trustees, si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos. Pagkatapos ng tagumpay ng rebolusyong EDSA kontra-Marcos at sa kanyang pamumunong militar at ang sumunod na pagbabago sa pamunuang pambansa, nagpalawak ang CCP ng kanyang tanaw at inangkop ang panitikan, pelikula, at sining pang-broadcast, bukod sa iba pang larang. Pumihit din ng direksyon ang institusyon para bigyang-diin ang mga ekspresyong makasining at makakultura na orihinal at likas sa Pilipinas, ang bahaginan ng mga palabas na pansining at pagtatanghal sa lahat ng uri ng manonood, at ang pag-ambag ng mga rehiyon sa kahulugan ng kulturang pambansa.
VAMD | Visual Arts and Museum Division
Napanatili ng CCP Visual Arts and Museum Division (VAMD), na nasa ilalim ng Production and Exhibition Department ng institusyon, ang pagtataguyod sa pagpalaganap ng mga kontemporaryong ekspresyong biswal at nakamit ang reputasyong magpaunlak ng di-komersyal, inobatibo, at kahit kontrobesyal na mga proyekto at mga eksibit. Pinamamahalaan ng sangay ang Thirteen Artists Awards, na panahunang iginagawad ng CCP sa mga progresibong pausbong na mga manlilikha. Nag-oorganisa rin ang sangay ng mga programang pampubliko gaya ng mga talakayan, mga workshop, at iba pang mga aktibidad na katuwang ng mga kasalukuyang eksibisyon.
Ang VAMD ang tagapangasiwa ng 21AM at ng mga koleksyong nito na kinabibilangan ng Koleksyong Sining Biswal, Koleksyon ng Museo ng Kalinangang Pilipino, ang Koleksyon ng Tradisyunal na Instrumentong Pangmusika sa Asya at iba pang grupo ng likhang sining at mga materyal na may ugnay sa sining. Binubuo ng mahigit sa 4,000 mga bagay (pinta, imprenta, dibuho, eskultura, mixed media, at mga ethnographic artifact), ang mga ito'y natanggap mula bilang donasyon/pamana mula sa mga manlilikha at mga tagasuporta, at mula sa pangangalap na ginawa ng dating Museo ng CCP at ng naunang Museum of Philippine Art, bukod pa sa iba.
Nagpapatuloy itong maging sentro para sa mga inilalathalang saliksik, mga eksibisyon, at mga pahiram ng ibang insititusyon. Nag-aalok din ang VAMD ng mga espasyo para sa mga eksibisyong nagiging kanlungan sa pagbuo, pagtangi, pag-aaral, at pagsuri sa mga kontemporaryong ekspresyon ng sining biswal. Kaakibat nito, naghahandog ang VAMD ng mga gawad sa anyo ng libreng gamit ng espasyong pang-eksibit at suportang curatorial upang humikayat, mangmulat, sumuporta, at mapag-ayunan ang kahusayang artistiko sa sining biswal. Ang VAMD ay maigting na nakikipagtrabaho sa Association of Pinoyprintmarkers, dating kilala bilang Philippine Association of Printmakers o PAP.
Pasasalamat
Marian Pastor Roces
Curator
Outbound Asia Inc.
Website Design
Jay Adlao Block
Arjay Cañete
Christine de Pasion
David Loughran
Martian Nardo
Ariel Serrado
Boom Technologies Inc.
Website Development
Don Cadavona
Jason Constantino
Thaniel Jay Duldulao
Caroline Ignacio
Kim Vasquez
Queenee Vidad
Marian Pastor Roces
Randel Urbano
Mga Salin
CCP Visual Arts and Museum Division
Vivien Basmayor
Sheryl Cumpio
Rica Estrada
Noeny Gatarin-Dimaranan
Orlando Jarme Jr.
Mercedes Tolentino