Tay, Malaya Na Ba Tayo?
Painting
Manlilikha
EGHAI ROXAS
Petsa ng paggawa
1986
Pangkat ng Wika ng Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Kolektibo ng mga Manlilikha
n/a
Lugar ng Pinanggalingan
Metro Manila
Kasaysayan ng paglipat ng pagmamay-ari o pinagmulan
Donated by artist
Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Painting
Sub-Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Mixed media
Uring Antropolohikal
Artwork
Uring Museolohikal
Mixed media
Uring Sub na Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Kondisyon
Excellent
Materyal
Oil on canvas with photo collage
Mga Sukat
90.10 x 58.50 x cm
Pahayag ng Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Bibliograpiya
Walang handang data sa ngayon
Anotasyon
Umani ng karagdagang importansia ang pagpipintura sa uring Social Realism noong rehimen ng Batas Militar na ipinataw ni Pangulong Ferdinand Marcos mula 1972 hanggang 1983. Pinagpatuloy nitong genre ang pagpuna at pagtuligsa ng marahas na kapangyarihan sa loob ng buong panahong ito at hanggang sa katapusan ng ika-20 dantaon sa Pilipinas. Saklaw sa grupo ng mga imaheng Social Realist ng mga suliranin ng lipunan ang kahirapan, kalupitan, at pangaabuso—na normal na pinipinta bilang dramatikong ikonograpiya ng bawat pintor, na umaapila sa kapasidad na magalit ng madla. Pinairal ang pagpipinturang Social Realist is iba’t-ibang lugar, mula sa mga galeri hanggang sa mga kalsada kung saan ginanap ang mga kilos protesta; at ang mga pintor na Social Realist ay pawang kilala bilang aktibistang kontra sa diktadura. Tinaguyod ng Social Realism sa Pilipinas ang Materialismo sa analisis ng suliraning struktural, at rebolusyon laban sa kaayusang kapitalista.
Kuro-kuro ng isang curator
Sa loob ng kalahating dantaon sa Pilipinas, nanatiling mataas ang antas ng Social Realism bilang natatanging katunggali ng awtoritarianismo. Para sa sining biswal, ito ang naging dulo ng sibat, kung baga, nung nagtapos at maging makalipas na ang Cold War sa paginog nito sa Timog Hilagang Asya. Sa pagkilala sa sarili bilang bahagi ng hanay sa Kaliwa sa Pilipinas, samakatuwid katunggali ng hanay sa Kanan, lalu na ang reaksyonaryong estado, naunahan ng Social Realism ang mataas na antas ng usaping moralidad ang mga postcolonial at postmodern na mga eksplorasyon ng Conceptual Art—na sa Kanluran ay hugot din sa Kaliwang daloy ng pag-iisip. Nag-ugat itong Conceptualism sa Sining Pangkultura ng Pilipinas nung dekada 70, ngunit kaagad naagasan ito ng rebolusyonaryong gilas, dahil sa pagkaugnay nito sa rehimeng Marcos. Ilang dekada din ang lumipas bago umangat ang antas ng Conceptual Art bilang nagtataglay ng progresibong pulitika, tulad, halimbawa, ng “The Collection of Jane Ryan and William Saunders: Jewelry in Augmented Reality” ni Pio Abad at Frances Wadsworth Jones (2022).
Paglisensya
Ang ekslusibong Mga Karapatang Intelektwal na Pag-aari ng mga impormasyong nakatala sa website na ito ay nananatili sa (mga) manlilikha at sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at protektado ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Walang anumang bahagi ng website ang maaaring i-reproduce, ilathala, ipamahagi, o ipakalat sa anumang anyong pampubliko o anumang paraang komersyal nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa (mga) manlilikha at sa CCP.
Para humingi ng mga pahitulot at paglisensya, mag-email sa vamd@culturalcenter.gov.ph.
Feedback
Patuloy kaming nag-aaral tungkol sa aming mga koleksyon at sa pag-update ng nilalaman ng website na ito. Mayroon bang hindi wasto na impormasyon sa rekord na ito, na sa tingin mo ay kailangan naming ayusin o baguhin? Kontakin kami sa vamd@culturalcenter.gov.ph.