Male Headdress
Decorative plaiting, cutting, notching, metal coiling
Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Petsa ng paggawa
Walang handang data sa ngayon
Pangkat ng Wika ng Manlilikha
Ilongot
Kolektibo ng mga Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Lugar ng Pinanggalingan
Nueva Vizcaya
Kasaysayan ng paglipat ng pagmamay-ari o pinagmulan
Purchase
Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Decorative plaiting, cutting, notching, metal coiling
Sub-Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Walang handang data sa ngayon
Uring Antropolohikal
Walang handang data sa ngayon
Uring Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Uring Sub na Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Kondisyon
Tarnished metal; abrasion on bead; good and stable
Materyal
Beak of a scarlet hornbill, brass, mother of pearl, rattan, feather, wood, cotton, yarn, horse hair
Mga Sukat
54.00 x 16.00 x cm
Pahayag ng Manlilikha
Ellis, George R. "Arts & People of the Northern Philippines" (In Casal, et.al. The People & Art pf the Philippines. Los Angeles: University of California, 1981), p. 241
Bibliograpiya
Walang handang data sa ngayon
Anotasyon
Yari sa pinagkabit-kabit na rattan, ulo’t tuka ng isang uri ng kalaw (Rufous Hornbill), kinadenang kawad, kinikil na maliliit na pirasong lata, at beads ang putong na itong tanging gamit ng mga lalaking Ilongot. Kapansinpansin ang kulay pula ng tuka ng kalaw, na siya ring kulay ng mga mahahabang hikaw o batling [Ilongot] na ginagamit rin ng mga lalaking Ilongot, sabay sa putong. Bukod sa kulay, katangi-katangi rin ang liit ng pagkakagawa ng mga detalya ng mga elemento. Sa pagkakabuo nitong putong, may bilog na nakasaklob sa ulo, at may pahabang elemento nagtatapos sa tuka ng kalaw—isang pagpapahaba ng mukha. Nagmimistulang ibon ang may suot. Ayon sa pag-aaral ng mag-asawang antropolohistang Renato Rosaldo at Michelle Zimbalist Rosaldo nung dekada 70, napapaloob itong putong (at katambal na batling) sa isang malalim na complex na nagtatagnitagni ng pamumugot ng ulo, kaalamang buhay, sekswalidad, pusok ng damdamin na nagsasanhi ng pag-iinit at pamumula ng katawan—kasama ang pagsusuot nitong putong at batling. Tanging lalaking nakapugot na ng ulo ang may karapatang magsuot nitong signo ng isang kaganapan.
Kuro-kuro ng isang curator
Sa mga gamit na tulad nitong putong, ang pagpapahaba o pagpapalakas ng dating ng mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng estetikong pininong kagamitan—na karaniwang sinasailalim sa kategoryang alahas—sa totoo’y lampas sa konseptong alahas bilang palamuti, pagpaparangya, o paggayak. Hindi maaring isiping alahas ang mga ito. Hindi saklaw ng konseptong alahas—na laging may diin ng mga konseptong yaman at kapangyarihang panlipunan at pangekonomiya—ang uri ng kapangyarihan, tulad ng pinapahayag ng putong na ito, na namumutawi sa kaalamang nakasuksok sa larangang esoteriko, na maaabot lamang sa pamamagitan ng paguumapaw ng pusok ng damdamin tulad ng nagaganap sa pamumugot. Bukod pa, at sa kabilang dako, pinupuno ng sukdulang karahasan ang alahas na nagsasaad ng pagkaganid, tulad, halimbawa ng koleksyon nina Jane Ryan at William Saunders (Imelda and Ferdinand Marcos). MPR
Paglisensya
Ang ekslusibong Mga Karapatang Intelektwal na Pag-aari ng mga impormasyong nakatala sa website na ito ay nananatili sa (mga) manlilikha at sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at protektado ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Walang anumang bahagi ng website ang maaaring i-reproduce, ilathala, ipamahagi, o ipakalat sa anumang anyong pampubliko o anumang paraang komersyal nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa (mga) manlilikha at sa CCP.
Para humingi ng mga pahitulot at paglisensya, mag-email sa vamd@culturalcenter.gov.ph.
Feedback
Patuloy kaming nag-aaral tungkol sa aming mga koleksyon at sa pag-update ng nilalaman ng website na ito. Mayroon bang hindi wasto na impormasyon sa rekord na ito, na sa tingin mo ay kailangan naming ayusin o baguhin? Kontakin kami sa vamd@culturalcenter.gov.ph.