Karaweweng/ Necklace
Walang handang data sa ngayon
Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Petsa ng paggawa
Walang handang data sa ngayon
Pangkat ng Wika ng Manlilikha
Gaddang
Kolektibo ng mga Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Lugar ng Pinanggalingan
Paracelis. Mt. Province
Kasaysayan ng paglipat ng pagmamay-ari o pinagmulan
Purchase
Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Walang handang data sa ngayon
Sub-Klasipikasyon ng proseso ng pagkagawa
Walang handang data sa ngayon
Uring Antropolohikal
Walang handang data sa ngayon
Uring Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Uring Sub na Museolohikal
Walang handang data sa ngayon
Kondisyon
Good and stable
Materyal
Beads, shells, plastic , metal, stone
Mga Sukat
47.00 x 8.00 x cm
Pahayag ng Manlilikha
Walang handang data sa ngayon
Bibliograpiya
Solheim II, Wilhelm G. " Philippine Prehistory." ( (In Casal, et.al. The People & Art of the Philippines. Los Angeles: University of California, 1981), pp. 62,69-71
Anotasyon
Mga cowrie shells na may pareparehong liit at iba’t-ibang kulay ng beads na bubog ang pinagsasama-sama’t pinagkakabit-kabit upang makabuo ng isang karaweweng. Ito’y isang uri ng alahas na pansabit sa leeg. Ngunit nasa likod ng babaeng nagsusuot nito ang malapad at matrabahong bahagi, samantalang sa harap niya naman ang iisang hanay ng beads. Mga Ga’dang ng bayan ng Paracelis, Mt. Province, lamang ang nagsusuot ng ganitong anyo ng pansabit sa leeg. (May mga Ga’dang ding naninirahan sa ilang sulok kapatagan ng Nueva Viscaya; ngunit ang mga ito’y maagang naging Kristiano nung panahon ng Kastila.) Kalat sa mga lugar ng mga Ga’dang at Kalinga ang liit at kulay ng beads—pula, dilaw, asul, at puti—at maraming pagkakahawig ang anyo ng beadwork ng dalawang grupo. Ngunit ang mga halimbawa ng pinakamagagandang gawang Ga’dang ay pawang gumamit ng pinakamaliliit na beads, yung bersyon mang naaninag o hindi; at higit na marami itong mga beads. Kinakatawan ng isang karaweweng ang mapagtiyagang pag-iipon ng cowrie shells at beads na halos iisa ang anyo, liit, at kulay: mga shells at beads na unti-unting nilikom mula sa baybaying dagat na ubod ng layo hanggang sa kabundukan, sa pagdaan ng mga dekada o pagsalin ng mga henerasyon.
Paglisensya
Ang ekslusibong Mga Karapatang Intelektwal na Pag-aari ng mga impormasyong nakatala sa website na ito ay nananatili sa (mga) manlilikha at sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at protektado ng mga batas ng Republika ng Pilipinas. Walang anumang bahagi ng website ang maaaring i-reproduce, ilathala, ipamahagi, o ipakalat sa anumang anyong pampubliko o anumang paraang komersyal nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa (mga) manlilikha at sa CCP.
Para humingi ng mga pahitulot at paglisensya, mag-email sa vamd@culturalcenter.gov.ph.
Feedback
Patuloy kaming nag-aaral tungkol sa aming mga koleksyon at sa pag-update ng nilalaman ng website na ito. Mayroon bang hindi wasto na impormasyon sa rekord na ito, na sa tingin mo ay kailangan naming ayusin o baguhin? Kontakin kami sa vamd@culturalcenter.gov.ph.