Ang Pagsasara sa Museo ng Kalinangang Pilipino
Ang 21AM ang kaganapan ng mga naunang pagninilay sa banyuhay/re-development ng Museo ng Kailanangang Pilipino (MKP) at ng eksibit ng mga Tradisyunal na Instrumentong Pangmusika sa Asya na nakalagak sa ikaapat na palapag ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP). Tatlumpung taon pagkatapos maeksibit, isinarang tuluyan ang eksibisyon sa takda ng ika-50ng anibersaryo ng CCP noong 2019. Ang pagsasara ng eksibit noong 2017 ay para rin sa mas mabuting pangangalaga, pagpapanatili, at konserbasyon ng mga artifact sa koleksyon. Ang bagong proyektong eksibisyon ay binukas sa pampublikong alok noong Agosto 2018, at iginawad sa TAO INC. Ang permanenteng eksibisyon sa ika-4 na palapag ng Pangunahing Gusali ng CCP ay isinara na pinangasiwaan ng conservation team ng TAO INC noong 2019.
Bago isara ang eksibisyon, tatlong workshop ang ginanap kasama ang mga pinuno ng CCP at mga miyembro ng board upang siyasatin ang mga posilibilad na pang-administratibo, sa konsepto, at sa mission/vision ng Museo ng Kalinangang Pilipino at ang iba't ibang koleksyon ng CCP. Ang tutok ng mga paksa ng workshop ay ang institusyonal na alaala ng CCP, ang mga Museo sa Maynila sa ika-21 siglo, at ang kinabukasan ng Museo ng CCP.
Ang eksibisyong MKP na pinamagatang "Diwa: Buhay, Ritwal at Sining" ("Spirit: Life, Ritual and Art") ay nabuo noong 1987 ni curator Marian Pastor Roces, bilang komisyon mula kay dating CCP Artistic Director Nicanor G. Tiongson. Nakapaloob sa Koleksyong MKP ang mga artifact at mga materyal mula sa eksibisyon at ibang mga kagamitang hindi pa naitampok. Ang pagkabuo ng Koleksyong Tradisyunal na Instrumentong Pangmusika ng Asya ay nangyari dahil nang mas maluwat dahil sa donasyong ng dating Presidente ng CCP at Pambansang Alagad ng Sining sa Musika, Lucrecia Kasilag. Ang koleksyon ay inilatag pagkatapos ng eksibisyong MKP, at pinalitan ang bahaging "Bayan" ng orihinal na eksibisyon. Noong dekada 70, ang espasyong pangmuseo ng ikaapat na palapag ng CCP ay pinagtampukan ng koleksyong seramiko ni Dr. Arturo de Santos at ng koleksyon ng likhang sining na Maranao at Maguindanao ni Potenciano Badillo. Isinara ang eksibisyon pagkatapos ng EDSA at mga hiniram na artifact ay sinauli sa mga may-ari.