21AM Online Curatorial Workshop
Dagdág Dunong

21AM Online Curatorial Workshop

Isinagawa ng CCP VAMD at TAO Inc. ang 21AM Curatorial Workshop noong 1-5 Pebrero 2021 sa Zoom bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para kay 21AM. Tinalakay sa limang araw ng online workshop ang mga paksa tulad ng balangkas at bagong sadyang-disenyo ng Accession Record System ng 21AM; ang tradisyunal na sining ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya; curation para sa ika-21-siglong espasyo ng kontemporaryong sining; at ang mga tunggalian sa pagitan ng tradisyunal at kontemporaryong sining. Sinumulan ito sa piling tauhan ng CCP at sampung puwang ang inlaan para sa mga pausbong na curatong na hindi karaniwang konektado sa CCP at may interes na tahakin ang mga proyektong akma sa CCP at sa mga koleksyon nito. Pinangasiwaan ni Marian Pastor Roces ng TAO Inc., ang workshop ay nilahukan ng mga kawani ng CCP VAMD at TAO Inc. at ng mga independen curator sa loob at labas ng Metro Manila na sina Mac Andre Arboleda, Alain Zedrick Camiling, Geri Matthew Carretero, Lauren Marie Sevilla Faustino, Jay Nathan Jore, Jessica Nicole Ramas Manuel, Marinella Andrea C. Mina, Carlos Quijon, Jr., Mariah Christelle Feliciano Reodica, and Cristian Tablazon. Sumama rin ang ilang tagamasid mula sa ibang opisina ng CCP sa curatorial workshop.