Ang Ritwal ng Pinaing
Naganap ang pagbaklas at pagtabi ng mga materyal na kultural mula sa Museo ng Kalinangang Pilipino (MKP) pagkatapos ng dalawang tradisyunal na ritwal na isinagawa ng mga mangriritwal ng mga respektibong grupong katutubo. Isa sa kanila ang anak ng ritwalistang orihinal na nanguna sa eksibit sa MKP gamit ang batong katiwala o pinaing ng mga Tingguian mula sa bayan ng Peñarrubia, probinsya ng Abra noong 2 Oktubre 2019. Ginanap ito bilang opisyal na bahagi ng mga tuntuning museolohikal na sumaklaw sa pinangasiwaang paglipat mula MKP pa-21AM bilang dalawang magkaibang organisasyon.
Para sa pinaing, ang anak ng ritwalistang nagdasal para sa paglipat ng mga materyal noong 1987—ang pangunahing tagatanghal, at sinamahan siya ng ibang kapamilya mula sa orihinal na pangkat ng mga Tingguian. Ang pinaing ay binuo nitong mahahalagang panandang pangkultura ng mga mga Tingguian ng Peñarrubia. Dinala ang mga materyal sa MKP, sa halip na itinda sa mga antique dealer sa labas ng bansa. Naging bahagi ang mga pinaing ng koleksyong CCP ng mga materyal na may kinalaman sa tradisyunal na pagtatanghal. Isang pangkat ng mga Tingguian ang nagsaayos nitong mga kultural na materyal sa espasyong inilaan ng planong curatorial noong 1987. Isinagawa ng isang ritwalistang Tingguian ang ritwal upang tulutan ang maayos na paglipat mula Abra pa-MKP.