Ang Ritwal ng Sunduk
Ang pangalawang ritwal ng pagsasara ay isinagawa para sa eksibit ng puntod o sunduk ng mga Sama Dilaut sa Isla ng Santa Cruz, Lungsod ng Zamboanga noong 11 Oktubre 2019. Nakatutok sa sunduk, nagsagawa ang ritwalistang Sama na isa ring imam o paring Muslim ng ritwal paglilipat sa storage. Kasama sa mga kalahok mula sa lugar ng Sama ang kalahi ng isa sa mga nailibing sa Isla ng Santa Cruz. Marami sa mga pananda ay nalayo mula sa mga puntod dahil sa sakim na kalakaran ng kagamitang antigo. Di tulad ng mga batong pinaing, nakalap ang mga sunduk na tinampok sa MKP mula sa mga antique dealer na nanguha nito mula sa Isla ng Santa Cruz noong dekada 80. Anyong bangka ang mga ito, nagkamarka sa mga puntod ng mga Sama. Pinuslit ang mga ito sa merkadong pang-antigo sa Maynila, kung saan nabili ang mga ng CCP. Sa MKP, nakapatong ang mga sundok na ito asa ibabaw ng buhanging kalimbahing may durog na koral na dinala rin sa CCP mula sa Isla ng Santa Cruz.