Eksibit

Bisita Planeta

September 21, 2023 - September 21, 2024

Ang Bisita Planeta ay isang komposisyong audio na patuloy ang pag-usbong. Ito ay pinagagana ng mga instrumentong automated na ipinuwesto sa iba’t ibang pisikal na lugar. Tinutugtog ng instrumentong automated ang iba’t ibang bahagi ng isang komposisyon na maaari lamang mapakinggan nang buo sa website ng 21st Century Art Museum (21AM). Pinagtatagpo ng proyekto ang pagramdam natin sa totoong mundo sa birtwal na mundo, na nagpapakita rin ng paraan ng pagkilatis at pag-iisip ng ilang paraan ng pagsalamin at pagkrus ng dalawang mundo. Dahil nagpapadala ng live na audio ang bawat instruments sa internet sa website ng Bisita Planeta, ang bawat instrumento ay nakalagak sa isang pisikal na lokasyon na bukas sa publiko. At ang madla ay inaanyayahang bumisita, sumiyasat, at makinig sa makinang nakapuwesto sa lugar. Nakadagdag sa mekanismo ang pag-uukol sa konsepto ng pamamakay o pagpunta sa iba’t ibang lugar, at ang ‘pangongolekta’ sa mga likha, na naghihikayat sa mga tagapakinig na bisitahin ang nakakalat at magkakalayong mga makina bilang patunay ng pagkumpleto sa mga posibleng daloy ng paglalakbay. Tinutukoy ng pamagat ng proyeko ang aspektong ito ng pisikal na paglalakbay, ang kalahati nito bilang ang danas sa website, kung saan maririnig nang sabay ang iba’t ibang mga tunog. Ang pamagat na “Bisita Planeta” ay humahalaw sa mga karaniwang paksa ng mga lagusano wormhole na space-time para makapunta sa ibang mga daigdig at planeta, na kabalikang humahango sa tradisyong Pilipino ng “Bisita Iglesia.”

Artist

Tad Ermitaño

Tungkol sa

Bilang isang pangunahing personahe sa sining na new media sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya, na sumibol ang kasanayan sa huling bahagi ng dekada 80, itinatag ni Tad Ermitaño ang kolektibong midya na Children of Cathode Ray kasama sina Jing Garcia, Regiben Romana, Magyar Tuason, Blums Borres, at Peter Marquez. (Ang cathode ray o electron beams ay nasa loob ng mga tubo ng mga naunang telebisyon.) Nagtapos siya mula sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas (PSHS) noong 1981, nag-aral ng Zoology sa Pamantasan ng Hiroshima, at nagtapos ng digring Batsilyer sa Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagsanay siya sa produksyong pampelikula at pang-video sa Mowelfund Film Institute. Malas sa kanyang mga likha ang mga circuit, mga programang pangkompyuter, at mga pisikal na makinang pang-performance at mga instalasyon. Ilan sa mga natatangi niyang instalasyong interaktibo ay ang Quartet (SG 2008); Gangsa (SG 2013); Twinning Machine (SG 2014); at Uwang (Art Fair Philippines 2015).